Ano Kayang Ilalaman ko Rito sa Blog na Ito?
Magandang umaga sa lahat!
Parang dapat yata hindi ko na lang ginawa itong separate na page dito sa blog profile ko. Naguluhan pa tuloy ako. May tatlo kasing parte itong blog ko:
- Kai, The Lady Rider
- Hugot Series
- Le Journey to Becoming a Lady Rider
Klaro naman sakin kung ano bang ilalagay ko dun sa Hugot Series and Le Journey to Becoming a Lady Rider kaso dito sa naunang blog, hindi ko talaga alam ilalagay. :P
Siguro gawin ko na lang parang autobiography? As in parang yung kwento siguro ng buhay ko na factual or masasaya?
Ewan... Yung Hugot Series medyo mabigat sana yung mga magiging laman nun kaso ayoko naman din kasi magkalat ng sobrang negativity rito sa internet. Sobrang nilalabanan ko na yang negativity buong buhay ko, and sa totoo lang, mahirap. Sobrang mahirap. Kaya rin ako actually gumawa ng blog para maging outlet ko. Gusto ko naman din magpalaganap ng magagandang bagay. Hehe. Yung makakatulong sa mga tao at makakatulong din sa akin - sa sanity ko, sa mental health ko.
So okay... Settled na tayo... Gagawin ko na lang a la autobiography itong Kai The Lady Rider na blog
Tapos yung Hugot Series, mga pagmumuni muni ko yun.
Tapos yung Le Journey to Becoming a Lady Rider, mga learnings ko yun habang dinadaanan ko ang buhay ko bilang Lady Rider.
Na-miss kong sumulat. Gusto ko nag-eexpress ng sarili sa pagsusulat. Mas magaling ako magsulat kesa makipag-usap sa tao. Ayan, baka maging topic din natin yan - kung paano ako natuto makipag-usap sa tao. XD
Ayun lang po... Salamat! Magandang araw ulit sa inyong lahat.
Comments
Post a Comment