Autobiography - Early Life - Part 1
Siguro kung magbibigay ako ng paglalarawan sa unang parte ng buhay ko - magulo at laging palipat lipat. Marami kasi akong lugar na tinirahan - mula Maynila hanggang Cavite (iisa-isahin natin yan). Hindi pa naman ako umaabot sa ibang bahagi ng Pilipinas gaya ng Visayas at Mindanao. Wala rin kasi sa isip yan ng mga magulang ko noon. Ngayon, sinusubukan kong isama na rin ang ibang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao sa mga pagpipilian kong lugar kapag nagtitingin tingin ako ng trabaho sa LinkedIn at Indeed. Marami na rin kasing magagandang oportunidad doon sa ibang bahagi ng Pilipinas at mas mataas pa ang sahod. Anyway, baka lumayo na tayo sa paksa. Ipe-presenta ko na lang ang blog na'toh base sa lugar. Parang mas okay yun. Maynila (Sta. Ana at San Andres) - Sa Sta. Ana, Manila ako ipinanganak. Hindi ako sigurado kung sa Trinity Hospital ang kwento ba ni Mommy sakin noon. Pero itatanong ko na lang ulit o titingnan ko sa birth certificate ko para sigurado. Wala raw si Daddy nung ipinan...