Posts

Autobiography - Umpisa ng Buhay ko sa Project 4, Quezon City

Image
Magandang gabi po sa inyong lahat. Mukhang tuwing weekends lang talaga ako makakapag-blog. May trabaho kasi ako mula Lunes hanggang Biyernes. Heto, ituloy na natin ang kwento ko... Project 4, Quezon City - Ang pinakamaaga ko talagang memorya noon (parang as early as 4 years old pa lang ako) ay nasa Project 4. Dalawang street ang naaalala kong tinirhan namin; una ay doon sa Magat Salamat St. at sumunod naman ay doon sa Callejon St. Magat Salamat St.  (noong sobrang bata ko pa...) - Ang unang memoryang naaalala ko rito ay parang mayroon kaming sari-sari store. Medyo malabo sa isip ko yung natatandaan ko pero parang nandoon kami sa loob ng tindahan o kusina yata, tapos ay pinagagalitan ako ni Mommy.  Tinanong ko kay Daddy ito noong matanda na ako at ang kwento nya ay 2 or 3 years old pa lang ako noon, inutusan daw ako kumuha ni Mommy ng isang bote ng Coke Litro. Eh nabagsak ko raw tapos nabasag yung bote. Nasugatan ako at malapit sa kaliwang bisig. Hanggang ngayon ay nandito pa r...

Autobiography - Early Life - Part 1

Siguro kung magbibigay ako ng paglalarawan sa unang parte ng buhay ko - magulo at laging palipat lipat. Marami kasi akong lugar na tinirahan - mula Maynila hanggang Cavite (iisa-isahin natin yan). Hindi pa naman ako umaabot sa ibang bahagi ng Pilipinas gaya ng Visayas at Mindanao. Wala rin kasi sa isip yan ng mga magulang ko noon. Ngayon, sinusubukan kong isama na rin ang ibang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao sa mga pagpipilian kong lugar kapag nagtitingin tingin ako ng trabaho sa LinkedIn at Indeed. Marami na rin kasing magagandang oportunidad doon sa ibang bahagi ng Pilipinas at mas mataas pa ang sahod. Anyway, baka lumayo na tayo sa paksa. Ipe-presenta ko na lang ang blog na'toh base sa lugar. Parang mas okay yun. Maynila (Sta. Ana at San Andres) - Sa Sta. Ana, Manila ako ipinanganak. Hindi ako sigurado kung sa Trinity Hospital ang kwento ba ni Mommy sakin noon. Pero itatanong ko na lang ulit o titingnan ko sa birth certificate ko para sigurado. Wala raw si Daddy nung ipinan...

Ano Kayang Ilalaman ko Rito sa Blog na Ito?

 Magandang umaga sa lahat! Parang dapat yata hindi ko na lang ginawa itong separate na page dito sa blog profile ko. Naguluhan pa tuloy ako. May tatlo kasing parte itong blog ko: Kai, The Lady Rider Hugot Series Le Journey to Becoming a Lady Rider Klaro naman sakin kung ano bang ilalagay ko dun sa Hugot Series and Le Journey to Becoming a Lady Rider kaso dito sa naunang blog, hindi ko talaga alam ilalagay. :P Siguro gawin ko na lang parang autobiography? As in parang yung kwento siguro ng buhay ko na factual or masasaya? Ewan... Yung Hugot Series medyo mabigat sana yung mga magiging laman nun kaso ayoko naman din kasi magkalat ng sobrang negativity rito sa internet. Sobrang nilalabanan ko na yang negativity buong buhay ko, and sa totoo lang, mahirap. Sobrang mahirap. Kaya rin ako actually gumawa ng blog para maging outlet ko. Gusto ko naman din magpalaganap ng magagandang bagay. Hehe. Yung makakatulong sa mga tao at makakatulong din sa akin - sa sanity ko, sa mental health ko. So o...