Posts

Showing posts from November, 2025

Autobiography - Umpisa ng Buhay ko sa Project 4, Quezon City

Image
Magandang gabi po sa inyong lahat. Mukhang tuwing weekends lang talaga ako makakapag-blog. May trabaho kasi ako mula Lunes hanggang Biyernes. Heto, ituloy na natin ang kwento ko... Project 4, Quezon City - Ang pinakamaaga ko talagang memorya noon (parang as early as 4 years old pa lang ako) ay nasa Project 4. Dalawang street ang naaalala kong tinirhan namin; una ay doon sa Magat Salamat St. at sumunod naman ay doon sa Callejon St. Magat Salamat St.  (noong sobrang bata ko pa...) - Ang unang memoryang naaalala ko rito ay parang mayroon kaming sari-sari store. Medyo malabo sa isip ko yung natatandaan ko pero parang nandoon kami sa loob ng tindahan o kusina yata, tapos ay pinagagalitan ako ni Mommy.  Tinanong ko kay Daddy ito noong matanda na ako at ang kwento nya ay 2 or 3 years old pa lang ako noon, inutusan daw ako kumuha ni Mommy ng isang bote ng Coke Litro. Eh nabagsak ko raw tapos nabasag yung bote. Nasugatan ako at malapit sa kaliwang bisig. Hanggang ngayon ay nandito pa r...